Sabado, Oktubre 4, 2008

MULA SA ISANG DI MAGANDANG PANGYAYARI




Minsan ba dumarating sa sitwasyon na naiisip natin mukhang wala ng katapusan ang problema sa buhay natin. Kung minsan kakatapos lang ng isang problema darating na naman ang panibago. Madalas gusto na nating sumuko at bumitaw sa Panginoon dahil sa problema. Kaibigan sana pakapulutan nyo ng aral ang kwento na ito:


Si Mr. Chan ay isang mayamang intsik na nagmamay-ari ng malalaking negosyo sa Binondo, Manila. Sya ang tinuturing na isa sa pinakamayaman sa kanilang lugar. Meron syang malaking bahay at magagarang sasakyan. Ang kanyang 2 anak na babae na parehong nag-aaral sa ekslusibong eskuwelahan sa Maynila, samantala ang kanyang asawa ay laging bida sa kanyang mga kaibigan dahil sa kanilang kayamanan.


Halos di nagkikita ang mag-anak sa kanilang bahay, madalas laging nasa business trip si Mr. Chan o di kaya kanyang tintitingnan ang bawat negosyo nila. Samantala ang kanyang misis naman ay abala rin sa pakikpagsosyalan sa kanyang mga kaibigan. Ang dalawang bata naman na anak ng mag-asawa ay karaniwang nakababad sa T.V o di kaya sa computer kasama ng kanilang mga Yaya.


Ganito ang buhay ng pamilya, may sari sarili silang mga pinagkakaabalahan sa buhay. Maging sa kanilang pagkain ay di sila nagkakasama, halos di na sila nag-aabot ng gising. Walang kapahingahan ang mag-asawa, walang ring kapaguran sa trabaho si Mr. Chan sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo, halos di na rin natutulog ang kanyang asawa sa paglalaro ng madjong. At madalas Masaya na ang dalawang bata na makipaglaro sa kanilang mga yaya o di kaya sa computer.


Subalit ang lahat ng itoy nagbago at unti unting naglaho, sunod sunod na dagok ang dumating sa buhay ni Mr. Chan.Nasunog ang pabrikang pinagkaingat ingatan nya, bumagsak ang isa pa nyang negosyo dahil sa pababa ng ekonomiya. Isa isang rin nalugi ang lahat ng negosyo ni Mr. Chan, nawala ang lahat ng kanyang mga pinagpaguran at naiwan din syang baon sa utang. Napilitang ibenta ni Mr. Chan ang lahat ng kanyang ari arian para makabayad sa kanyang utang. Nawala na ang malaking bahay, naglaho na rin ang mamahalin at magagarang sasakyan at lumipat na lang sila sa isang maliit na bahay. Kasamang naglaho rin ang kanyang mga kaibigan. Para silang mga pulubing tinataboy pag humihingi sila ng tulong sa kanila. Walang gustong dumamay sa kanila. Wala ni isa ang gustong tumulong sa kanila.


Hindi na nya alam ang gagawin noong mga panahon na iyon, halos isang bugso ng problema ang binigay sa kanya. Halos gusto na nyang magpakamatay dahil sa pangyayari yon. Ang kanyang misis ay kasama na rin nyang umiiyak dahil sa pait na nangyayari sa kanyang buhay. Hindi na nila alam ang gagawin sa mga susunod na araw. Pakiramdam nya wala ng saysay ang mabuhay pa.


Ngunit isang araw, isang panauhin ang dumalaw, panauhin na hindi nilainaasahan. Nagulat sila na may taong gustong dumamay at tumulong sa kanila at itoy walang iba kundi si Mang Damian, ang kanilang dating driver. Nagulat sila sapagkat nais tumulong sa kanila ng kanilang dating empleyado. Dati ratiy hindi nila pinapansin si Mang Damian sapagkat siyay balewala sa kanilang paningin. Ngayon, ang taong kanilang binablewala ang syang taong tutulong sa kanila. Tinulungan ni Mang Damian si Mr. Chan na magsimula muli. Naging mabuting magkaibigan ang dalawa. At unti unti ring pinakilala ni Mang Damian ang Panginoon sa pamilya ni Mr. Chan. At doon ay kanya nyang inimbitahang sumali sa Couples for Christ.


Sa 12 linggo nilang pag-attend sa CLP (Christian Life Program), unti unting nagbabago ang mag-asawa, unti unti nilang nadama ang Panginoon sa kanilang buhay. Kanilang nakilala ang Panginoon ng lubusan. Nagkakaroon na sila ng pananamaplataya sa Dyos. Ngayon lang uli nila naramdaman ang kakumpletuhan ng kanilang buhay. Nagyon lang nila naranasan ang naguumapaw na kasiyahan sa kanilang puso.


Nagyon,sama sama silang kumakain sa hapag-kainan. Kung dati ratiy hindi sila nagkikita dahil na rin sa pagiging abala ng bawat isa at sa malaking bahay na meron sila, ngayon ang maliit na bahay ang naging daan para sila ay magkasama sama sa lahat ng pagkakataon. Kanilang na ring naalagaan at nasusubaybayan ang pag-aaral ng kanilang 2 anak na noon ay mga yaya ang gumagawa nito para sa kanila, subalit ngayon naramdaman nila ang kasiyahan na pagiging malapit nila sa kanilang mga anak. . Nagkaroon na rin ng oras ang mag-asawa para sa isat isa. At lalo pang tumibay ang kanilang pagsasama..


Sa huli, hindi maipaliwanag ni Mr. Chan ang kaniyang nararamdamang kasiyahan. Pakiramdam nya ngayon lang nya nakuha ang kakumpletuhan ng kaniyang buhay. Kasiyahan na hindi kailan man matutumbasan ng pera o ng katgumpayan sa material na aspeto. Ang Dyos lang pala ang kulang sa kanilang buhay.



Hindi man na maibabalik ang marangya nilang buhay, nagkaroon naman silang ng mayaman na relasyon sa Panginoon at sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng simpleng pamumuhay. Nagyon ay masayang Masaya na sila. Kasiyahan na panghabang buhay nilang nararanasan.
________________________________________________________________________________
Minsan mula sa isang di magandang pangyayari sa buhay natin, lumitaw ang kadakilaan ng Dyos. Sa mga panahon na nabubulagan tayo ng kasarapan at kaginhawaan, di pa rin tayo pinabayaan ng Panginoon at Kanyang itinuro sa atin ang daan patungo sa Kanya. Ang inaakala nating katapusan ng lahat ay magiging sumula tungo sa isang mas magandang bagay.
Sana Kaibigan, isipin natin na sa dulo ng bagyo ay may bahagharing lilitaw. Sa dulo ng problema natin may mas magandang mangyayari kung patuloy tayong lalapit sa Kanya. Sabi nga nila kailangan mong maramdaman ang kawalan bago mo mas lalong maranasan ang pagkakaroon ng isang bagay. Kailangang walang laman ang lalagyan para mas lalong madagdagan pa marami ang laman nito. Tandaan natin na ang ating Panginoon ay hindi tumitingin sa kaginhawahan natin, kundi sa kasiyahan natin namaglingkod sa Kanya. Hindi Nya tinitingnan ang kabiguan natin, kundi kung paano tayo nagtagumpay at tumayo sa hamon ng buhay. Hindi kung ano ang nakuha mo sa mundo ito, kundi kung ano ang natutunan mo. Hindi kung paano ka giginhawa at magtatagumpay, kundi kung paano ka lalapit sa Kanya.. Sana huwag tayong mabulagan sa mga magagandang bagay na nangyayari sa buhay natin, gamitin natin ang mga ito para patuloy na magpuri at magpasalamat sa kanya


Lumapit tayo sa Panginoon, tayo lang ang iniintay nya.

Sa Dyos ang Kadakilaan

1 komento:

Unknown ayon kay ...

Ako Mrs Junaina, personal na nagpapahiram utang. nag-aalok kami mga pautang sa isang interes rate ng 2% sa bawat taon ng 100,000,000,00 EUR. Aling 500,000,000,00.in sa pera kailangan mo ng pautang sa. Sa pamamagitan ng 100% ng proyekto financing secured at hindi secure na mga pautang magagamit. kami ay garantisadong upang magkaloob ng mga serbisyo sa pananalapi sa marami sa aming mga kliyente sa buong mundo. Sa pamamagitan ng isang pakete ng mga pautang, ang utang maasikaso at mga pondo ay inililipat sa borrower sa lalong madaling panahon. nagpapatakbo kami sa malinaw at madaling Kinakailangan sa upang maunawaan at nag-aalok ng pautang sa isa sa aming mga customer na Applied, kumpanya, korporasyon, at lahat ng uri ng negosyo organisasyon, pribadong indibidwal at mga namumuhunan sa Real Estate. makipag-ugnay sa amin sa e-mail ang sa amin: diamondfinanceinsurancecompany@gmail.com para sa higit pang mga detalye sa kung paano makakuha ng pautang ikaw ay ok
Mrs junaina