Martes, Oktubre 14, 2008

Ang Tunay na Kagandahan


“Uyyy!! Ang ganda naman nung babaeng yun!!! Uyy teka sino yun, seksi seksi ahh!! Wow!!! “Ito ang madalas kong marinig pag may isang seksing babaeng nagdaan sa aming mga paningin!! Subalit nung minsang may nagdaang hindi kagandahang babae ganito naman ang aking narinig !”


Sino yun, whahahaha akala ko ba ang tao ay galing sa unngoy bakit sya mukhang kabayo!!! Whahahahah!!! Nice pamatay sa katawan parang coke!!! Coke in can!!! Diretso!!Whahahahah!!!” Mga malulutong na tawa ang maririnig ko mula sa grupo ng mga kalalakihan sa LRT station!!! Nakakatawa di ba!! Marahil nangingiti ka rin ng konti sa mga binitiwan nilang mga salita!!! Pero nakakatawa nga ba talaga???


Oo nga pla mga kaibigan may ikukuwento ako sa inyo, sana may mapulot kayong aral mula sa kwento!!!:


Sa isang sikat na unibesidad sa Maynila may tatlong babae na matatalik na magkaibigan. Pawang maganda silang lahat, mahahaba at makikintab ang mga buhok!!! Mapupula ang mga labi, bilugan ang mga mata at balingkinitan ang kanilang mga katawan. Ang buong klase sa pinapasukang unibersidad ay humahanga sa kanilang kagandahan!! Kinaiingitan sila ng mga kababaihan at hinahanggan ng mga kalalakihan!!! Lahat ay gustong silang maging kaibigan. Ngunit isang araw nagulat lang ang buong klase, mula sa pinto ng kanilang silid aralan may pumasok na tatlong babaeng walang buhok, mga mukhang nababalutan ng pulbos at make up at mga katawang balot na balo ng mahahabang kasuotan kahit sa kainitan ng panahon at alinsangan ng paligid!!! Agad nilang inalam kung sino ang tatlong babaeng pumasok sa kanilang silid. At pagkadaka isang malulutong at malalakas na tawanan ang umalingawngaw sa silid!!! Isang lalaki ang nagsasabi “ Eh sila Theresa, Maria, at May ito eh, whahahahah”. At nooy din nalaman ng buong klase na sila pala ang tatlong sikat na babae sa kanilang silid. Wala na ang dating makakapal at makikintab na buhok pawang mga kalbo ang tatlong dalaga, wala na ang mapupulang mga labi, mga mapupungay na mga mata , itoy napalitan na isang makapal na make-up at pulbos!!! Ang mga balingkinitang mga katawan ay nabalutan ng mahahaba at maiinit na mga damit!!! Hagalpakan ang buong klase sa tawa!! Lahat ay nanunukso, nanlalait at nambubuska sa tatlong dalagang kalbo at di kagagandahang mga hitsura. Nawala na sa paningin nila ang mga babaeng kinaiingitan nila at hinhanggan nila noon!!! Bagkus napalitan ng mga ibat ibang mga katawagan at pangalan!!! Nandyan silang tawaging babaeng espasol, bokal, manang at kung ano ano pang masasakit na katawagan at bansag!! Walang gustong lumapit at makipagkaibigan sa kanila!!! Pakiwari nilay magiging katawa tawa sila pag sumama sila sa tatlo!!! Ang mga naiingit na mga babae noon ay pawang mga nagbubulong bulungan sa tuwing dadaan ang tatlong babae. Mga matang matatalas, titingnan mula ulo hanggang paa at saka tatawa ng pagkalakas lakas!! Ang mga lalaking humahanga sa kanila na ginagalang sila noon ngayun ay puros tawanan at panlalait,” Jologs,Bembol” at kung ano ano pang mga bansag ang maririnig mo sa kanila, sabay ang malalakas na halakhakan at palakpakan animoy nakakita ng mga taong mapaglalaruan ng kanilang mga mapanghusgang mga mata!!Sa araw araw na kanilang pagpasok halos lahat ay pinagtatawanan sila sa katawa tawang hitsura nila!!! Lahat ay pawang masayang masaya sa mga panlalait na ginagawa nila sa tatlong babaeng kamag-aral!!! Mga matang mapanghusga at mapanlalit ang ginaganti nila sa bawat yukod at iwas na tingin ng tatlong kaawa awing mga dalaga!!!


Subalit hindi ito ininda nila Theresa, Maria at May, sila ay pawang mga tahimik lamang, pilit na wag aalalahanin at intindihin ang lahat ng panunukso at panlalait . Wala silang iniisip kundi ang mag-aaral ng mabuti at makatapos!!! Magkasama palagi anong mang oras at lugar!!! Ayaw nilang iwan ang isat isa. Minsan may isang kaklase nila ang nagtangka magtanong pilit na inaalam kung ano ang dahilan kung bakit nila ginawa ang mag bagay nay un!! Kung ano ang kanilang naisip kung bakit nila ginawa yun!! Pagtatanong na may kasamang panlalait at paghuhusga!!! Subalit pawang mga malulungkot na mga mata ang sumagot sa kanilang mga katanungan!!!Wala ni isang salita ang lumabas sa kanilang mga labi kundi isang pagyuko ang kanilang isinagot sa kanilang mga kaklaseng nangungutya sa kanila!!.


Makalipas ang isang buwan. Nagulat ang buong klase sapagkat di na nila madalas nakikita si Theresa sa klase at madalas naman nilang nakikitang umiiyak sina Maria at May sa isang sulok ng kwarto. Walang nagtangkang magtanong sa dalawang umiiyak na dalaga, at walang dumamay kahit isa sa kanila.


Isang araw pumasok sina Maria at May sa klase , maayos na ang kanilang pananamit at hitsura at bagamat kalbo pa rin sila. Naging normal uli sila sa paningin ng kanilang mga kaklase. Bagamat patuloy pa ring nagtatawa at nangungutya , marahil siguro nakasanayan na nila na gawing tampulan ng tukso at panlalait ang mga dalaga!! Marami ang nagtataka sa buong klase sapagkat ilang araw na ring di pumasok si Theresa sa klase nila. Marami sa kanila ang nag-isip na baka lumipat na ng unibersidad sapagkat di na nya kaya ang panlalait sa kanya!! Pero marami pa rin ang nagtatawa na nagsasabing siguro bumalik na raw sya sa kumbento, sa tribo nya o sa circus!!! Pilit nilang gingala ang mga matang mapaghanap!! Lahat ay nagtatanong kung nasan na si Theresa. Nuoy din lumapit sila kina Maria at May!! Tinanong nila ang dalawang dalaga kung nasan ang isa pa nilang kaibigan, subalit pagkabanggit ng pangalan ni Theresa isang luha ang dumaloy sa kanilang mga mata!!! Isang hikbi ang sinagot nila!!! At isang balita ang sinabi nila sa buong klase!!! Balitang dumagundong ng malakas at nadaig ang malalakas at malulutong na halakhakan!! At duoy din sinabi nila na si Theresa ay patay na!! Lahat ay nagulat!! Biglang tumahimik ang buong klase!! Binasag ng katahimikan ang kanina lamang malalakas na tawanan sa loob ng kanilang silid aralan!! Tinanong ng ilan kung ano ang tunay na nangyari!!! Ano ang kanyang kinamatay!!! At duon din kinuwento nila ang buong pangyayari!!! Sinabi nila na bago sila pumasok sa klase na may katatawa tawang hitsura!!! Pinagtapat sa kanila ni Theresa na may KANSER siya. May leukemia si Theresa!! Ang sabi nila!! Kanilang inamin sa buong klase na nagchechemotherapy ang kanilang kaibigan noong panahon na yun!!! Kinakailangang alisin ang maganda niyang buhok para sa therapy. Naglagay sila ng makapal na make up at mahahabang damit ay para matakpan ang mga pantal sa katawan dulot ng sakit ni Theresa !!!! At marami ang nagtataka kung bakit pati silang dalawa ay nagpakalbo at gawin ang ginawa ni Theresa. Noon din ay inamin ng dalawa na ginawa nila yun para tulungan at damayan si Theresa. Alam nila na pagtatawan sya ng buong klase at kukutsayin!!! Ayaw ipasabi ng kanilang kaibigan sa kanilang mga kaklase ang nangyari sa kanya, natatakot syang kaawaan sya ng mga ito subalit hindi awa ang nakuha nya kundi malakas na tawanan at masasakit na panlalait . Di nila iniisip ang kanilang magiging hitusa ngunit ang kanilang nasa puso at isipan ay ang tulungan at damayan ang kaibigan sa paghihirap kahit man lang sa maliit na paraan nay un!!! Batid nila na sa ganoong paraan hindi lang si Theresa ang kukutsain kundi pati na rin sila at sama sama nilang haharapin ang lahat ng huhumusga sa sa kanila. Ito ay para hindi lalo kaawaan ni Theresa ang kanyang sarili bagkus malaman nya na sila (Maria at May) ay handang maging iba para damayan sya at sama sama nilang harapan ang lahat. Kung susumahin hitsura lang naman nila ang nagbago hindi ang kanilang pagkatao, subalit hindi iyon ang nakita ng kanilang mga kaklase kundi ang may mapaglaruan at may mapagtawanan.


Nagulat ang lahat at nahiya sila sa knilang mga sarili. Di na sila muling makatawa at makapangutsya!! Di na sila makaimik dulot sa pagkahabag hindi kay Theresa kundi sa kanilang sarili. Batid nila na hindi sila nakatulong sa kanilang kaklase ngunit mas lalo pa silang nakadagdag sa nararamdaman ni Theresa. Nagyun gusto man nila dumamay at tumulong wala na ang kanilang kaklase. Kung tutuusin hindi na nila kailangang malaman na may sakit si Theresa para igalang sya bilang tao at damayan!!! Kung ating lilimiin dapat ay pangunawa at pagtanggap na lang ang kinilang iginanti kahit hindi nila batid ang totoong dahilan kung bakit iba sya kesa sa karamihan kaysa malulutong na halakhakan at kantyawan dahil sa knilang hitsura. Ngayon magsisisi man sila wala na!!!


Alam kong sa kabilang buhay ni Theresa, ay maranasan niya ang buhay na tahimik, walang sakit, walang pangungutya, at walang panlalait!! Alam kong magiging Masaya na sya sa kinalalagyan nya ngayon!! Marahil Masaya rin sya sa kanyang dalawang kaibigan na kahit kailan man ay di sya iniwan bagkus sya ay kanilang dinamayan. At napakadakila ng kanilang ginawa. Ngayun sino ang katawa katawa!!! Sino nagyun ang dapat mahiya!!!


Mga kaibign, minsan marami sa atin ay tumitingin sa pisikal na katangian ng isang tao. Marami sa atin ay nagiging panuntunan ang kagandahan at hitsura!! Kung minsan agad natin hinuhusahan ang isang tao dahil sa kanyang mukha at pangangatawan!!! Hindi ba pag may isang magandang babae o lalaki sa atin harapan at humingi sa atin ng tulong walang alinlangan natin tututulungan, subalit pa gang isang pulubi at palaboy sa lansangan ang lumapit sa tin hindi ba katakot takot na pandidiri at pangungutya ang ginaganti natin, madalas pa nga itinataboy natin sila palayo!!! Subalit isipin mo ngang mabuti sino sa dalawa ang talagang mas nangangailangan ng tulong mo!! Ang isang magandang babae/lalaki inuubos ang oras at pera sa pagpapaganda o ang isang kaawa awang pulubi na walang makain sa araw araw, walang tirahan , walang matutulugan at walang masisilungan. Kaibigan hindi siguro balakid sa isang tao ang kanyang hitsura para tulungan siya, para damayan sya at para intinidhin sya!!! Marahil pinagtatawanan na natin sila dahil sa katawa tawang hitsurang pinagkaloob sa kanya, pero isipin mo nga kapatid sino kaya ang mas katawa tawa sa inyong dalawa, sino kaya ang mas katanggap tanggap sa inyo sa paningin ng panginoon!!!


Kaibigan tandaan mo na ang kagandahan ay kumukupas, ang makinis at maputing balat ay kumukulubot at nangigitim, ang magandang mga mata ay manlalabo at matatakpan ng makakpal na salamin, ang magandang pangangatawan ay hihina subalit ang kagandahan ng loob ay kailan man ay di mawawala sa iyo at di ito kukupas!!!


Naway kung may Makita tayo sa ating plaigid na di kanais nais sa ating paningin dapat hindi tayo maghusga at mangutya!! Kung sakaling may humingi ng tulong sa inyo sana wag na nating tingnan ang histura ng isang tao para tutulungan sya .Sana sa tuwing titingin tayo sa isang tao ang kalooban nila ang ating makita hindi ang kaniyang mukha at histura!! Pang-unawa at pagtanggap ang kailnagn natin kaibigan!! Iintayin mo pa bang mahiya ka na lang sa sarili mo, spaagkat inuna mo pang pumuna bago umitindi. Gawin mo ang tama at mabuti sa kapwa yun ang mahalaga kaibigan!!


Maraming Salamat kaibigan!! Sana kahit papaano ay may naitulong ako sa inyo!! Salamat sa oras!!!!

AGIMAT NG TAGUMPAY

Kaibigan, madalas ba tayong sumusuko na sa ating mga problema. Minsan ba ay naiinip tayo sapagkat walang nangyayari sa buhay natin o di kaya halos hindi tayo makausad sa ating kalagayan. Sana makatulong ang kwento na ito sa lahat.


ANG AGIMAT NG TAGUMPAY


Si Mario at Lito ay matalik na magkaibigan, subalit kung tungkol sa estado ng buhay ng magkaibigan ang pag-uusapan ay malaki ang agwat nila sa isat isa.


Si Mario ay isang matagumpay na businessman samantalang si Lito ay isang simpleng mamayaman lamang kaya naman gustong gusto nyang maging katulad ang kanyang matalik na kaibigan.


Isang araw habang magkasama ang dalawa sa isang kapihan nagtanong itong si Lito sa kanyang Kaibigan:


“Pare, ano ba ang sikreto mo bakit successful ka” tanong ni Lito


“Wala naman,siguro dahil sa agimat na meron ako” Sagot ni Mario


“May agimat ka???” gilalas ni Lito


“Oo pare, gusto mo bigyan kita ng agimat ko”


“Aba syempre naman” dagling sagot nya.


“Ganito , bukas may ibibigay ako sa iyo, pupunta ako sa bahay nyo para malaman mo kung ano ang agimat na yun” sabi ni Mario


“Sige pare aasahan ko yan”


Kinabukasan, excited na excited si Lito kaya nga hindi sya mapakali kakaintay sa kaibigan. Iniisip nya na sa wakas ay magkakaroon na rin sya ng agimat para maging matagumpay sa buhay.


Makalipas ang ilang minuto dumating na si Mario,at nagulat sya sa kanyang nakita, may dala dalang kulungan sa likod ng sasakyan si Mario.Kaya nag-isip sya ng malalim


“Ano to pare? Tanong ni Lito


“Kulungan ng aso, kasama si Doggie, ang pinakamabangis na aso” sabay turo ni Mario sa kulungan.


Natakot si Lito dahil naglalaway ang aso habang nanlilisik ang mata nito sa kanya. Mabangis na mabangis ang aso.Ni ayaw nyang lapitan sapagkat pakiramdam nya ay lalapain sya ng buong buo.


“Pare nakita mo yung nakasabit sa leeg ng aso, Yung kwintas……nandun ang agimat para magtagumpay ka, tandaan mo ang kailangan mo lang ay paamuin ang aso para makuha ito. Pag sinubukan mong puwersahing para makuha yun ,mawawalan ito ng bisa.” Paalala ni Mario
“Ganun ba?sige pare susubukan ko”sagot nya.


Pagkaalis ni Mario, hindi alam ni Lito kung paano nya makukuha yung kwintas na sa leeg ng aso, basta ang naiisip nya na nandun ang agimat na sinasabi ng kaibigan nya. Pakiwari nya isa itong agimat na maaring sikreto sa pagyaman nya. Pero hindi nya alam kung paano nya ito makukuha.
Sa tuwing lalapit sya sa aso, panay ang ngitnit at tahol ng aso, pakiramdam nya ay lalapain sya ng buhay ng napakalaking asong yun. Hindi naman nya magamitan ng pwersa o kaya gamitan ng kemikal pampaamo sapagkat baka mawala ang bisa nito, kaya nag-isip sya kung paano ito mapapaamo.


Tuwing umuga pinupuntahan nya ito,at sa tuwing papakainin nya ang aso gumagamit sya ng malaking patpat para mailagay ito sa kulungan nya. At dumistansya sya ng mga dalawang metro at mula sa malayo ay tinatanaw nya ito at kinakausap na parang isang tao.


“Doggie, alam kong mabait kang aso, kamusta ka na? Kamusta ang tulog mo?”


Sa bawat labas ng salita sa bibig ni Lito, galit na galit ang aso sa kanya, naglalaway ang aso at lumalabas ang mga pangil na malalaki na gusto gusto syang lapain at pagkakagatin.
“Sorry doggie sige kain ka na”amo ni Lito


Tuwing gabi naman, pinupuntahan rin ito ni Lito, halos binabantayan nya ang aso at tinitingnan sa malayo.Kinakantantahan pa na parang bata, at binebentiladoran para di mainitan, kaya halos mapuyat sya mapaamo lang aso


.Ngunit sa pagdaan ng ilang araw pakiwari nya hindi nya na ito mapapaamo, gusto na nyang sumuko at ibalik na lang ang aso sa kaibigan nya, subalit naisip nya na kung sakaling makuha nya ang agimat na yun magtatagumpay sya, kaya naman pinapalakas nya ang kanyang loob at iniisip na lang nya na makukuha rin nya ang agimat


Sa araw araw, lumalapit sya sa aso ng mga ilang pulgada,pinapakain lagi lagi, pinapainom at pinaliliguan din at sa gabi naman ay halos napupuyat sya dito para kausapin at kantahan. Ang iniisip nya at kung lagi syang makikita ng aso ay magiging palagay din at aamo din ang aso sa kanya.


Hanggang sa hindi nya namalayan na papalapit na ng papalapit na sya sa aso. Hindi na gaanong nangangalit o nagagalit ang aso, marahil dahil sa lagi nyang nakikita si Lito na syang nagbibigay ng pagkain at inumin sa kanya. Unti unti na itong tumatahimik at nawawala na ang mga tahol.
Makalipas ang anim na buwan ng pagtatyaga at paghihintay sa wakas ay naging maamo na rin ang aso sa kanya. Hindi sya makapaniwala sa kanyang nakita at naramdaman sapagkat parang isang napakabait na aso ang nahahawakan nya ngayon , na noon ay halos hindi man lang nya matingnan ito na hindi tumatahol o nagagalit. Dali dali nyang kinuha ang kwintas sa leeg ng aso. Para makuha ang agimat.At sa kanyang pagsisiyasat ,nagulat sya na ang kwintas ay isa lamang pagkaraniwan na kwintas, isa lamang itong ordinaryong kwintas na nafe-free lamang sa mga kending pambata, at sa tabi ng kwintas ay may isang maliit na plastic case ,sa loob nito ay may nakabilot na papel sa loob.


Inisip nya na maaring nandito ang dasal para magkabisa ang kwintas kaya dagli dagli nya itong binuklat at kanya itong binasa . Pagkabasa bigla syang nainis, nagulat at nabigla.


Ngunit kalaunay ay ngumiti din sapagkat ang nakasulat ay:


“Pare, naisahan kita….heheheh, di ko alam uto uto ka rin pala.
KAYA PARE YARI KA…….”

Niloloko lang pala sya ng kaibigan nyang si Mario, pero kalaunay napag-isip isip nya na ang sikreto ng tagumpay pala ay ang pagiging matyaga, pasensyoso, at masikap. Marahil naloko sya ng kaibigan nya subalit marami naman syang natutunan sa pangyayaring yun. Marahil gusto lang din syang turuan ng kanyang kaibigan. Nalaman nya na ang agimat ay nasa kanyang sarili lang pala at wala sa kwintas. Kaya gagamitin nya ang kanyang natutunan sa totoong hamon ng buhay at gagawin nyang daan tungo sa tagumpay. Nasabi lang nya sa kanyang sarili “Salamat pare”.


Sa buhay natin minsan pakiramdam natin na hindi na tayo magtatagumpay pa kaya sa una pa lamang pagsubok sumusuko na tayo agad. Minsan ayaw nating mahirapan kaya kung nakakaranas tayo ng kahirapan, agad susuko na din tayo.Tandaan sana natin na walang madaliang paraan sa pagtatagumpay ito ay nangangailangan ng tyaga, pasensya at pagsisikap.Wag tayong matakot sa tagal ng panahon para makuha ang isang bagay tandaan natin na hindi ito makukuha ng sapilitan sapagkat ito ay nagngailangan ng paghihirap at sakrispisyo. Nasa atin ang susi ng tagumpay at nasa atin ding mga kamay ang ating kapalaran. Huwag tayong susuko sa buhay.


Sana itoy maging inspirasyon sa lahat

Lunes, Oktubre 6, 2008




Ang Oktobre ay buwan ng Rosaryo, kaya ang lahat ay inaayayahan na magdasal ng mabisang panalangin na ito. Maraming beses na na napatunayan na napakabisa ng panalangin na ito. Ilang mga patotoo na rin ang naisulat at nailathala tungkol dito.


Para sa akin ang Rosaryo ang isa sa pinakamabisang at kumpletong panalangin para sa akin. Naipapanalangin natin ang bawat isa, ang mga kaluluwa sa purgatory, mga makasalanan, at atin pang nababalikan ang buhay at pagliligtas sa tin ng Panginoon. Maraming beses ko ng napatunayan ang bisa ng Rosaryo, totoo ang linyang “The Family that prays together, stays together”.


Natatandaan ko noon sa noong nasa edad 12-15 ako noon sa tuwing magdarasal na kami ng Rosaryo noon, pupunta na ako sa kwarto at nagtutulog tulugan. O di kaya ang Rosaryo ang pampatulog ko noon, kasi nga paulit ulit at para sa akin boring. Madalas ito rin ang oras na tumatakbo ang utak ko kung saan saan. Ang mga nanay at tatay ko lang talaga ang talagang matyagang magdasal at aayain kami sa pagdadarasal ng Rosaryo, hanga ako sa kanila dahil kahit nasa kaliliman na ng tulog o kaya pagod ang tatay at nanay ko sa trabaho ay magdarasal sila ng Rosaryo, at sa madaling araw naman talagang gigising pa sila para magrosaryo at kalauna’y magsisimba., araw araw at gagabi yun.


Kaya siguro hindi kami pinabayaan ng Panginoon hanggang ngayon, hindi ko lubos maisip kung paanong ang isang magsasaka at isang simpleng may bahay ay makapagpapatapos na ng walong anak sa kolehiyo. Kung paaanong kahit marami kami ay hindi namin naranasan ang magutom o di kaya pumasok na walang baon sa klase. Na kahit sobrang hirap ng buhay ay nagawa naming makaraos araw araw.


Hindi kami mayaman, nakikita ko rin minsan ang kahirapan ng magulang ko , marami ring kaming problema lalo na pangpinansyal pero kahit kailanman hindi kami pinabayaan ng Dyos. At marami pang mga hindi ko mapaniwalaang mga biyaya ang pinakita sa akin ng Panginoon (pati ang pagkakapunta ko sa bansang Saudi Arabia)


Pati ang samahan naming pamilya ay talaga namang napakatibay, lahat kaming mga anak ay naging masunurin at mabait sa magulang. Walang sinuman sa amin ang naligaw ng landas, walang sinuman sa amin ang palaalis o mabarkada, madalas kami kami sa loob ng bahay ang nagkakasiyahan at nagkakantahan. Ayaw kong sabihin na perpekto ang pamilya naming, pero masasabi kong dahil sa Panginoon, naging maayos ang samahan naming. At hanggang nagyon ganun pa rin ang turingan naming at ganun pa rin ang samahan namin. Alam ko dahil ang Dyos ang naging sentro ng pamilya namin at Sya ang nagbuklod buklod sa amin. Alam kong tinutulungan kami ng ating Mahal na Birhen. At alam ko na ang pagdarasal ng Rosaryo ang naging daan para sa amin para kami ay magbuklod buklod kahit kami ay magkakalayo
Kaya inaanyahan ang lahat na magdasal ng Rosaryo, at magugulat kayo sa mga mangyayari sa buhay nyo at sa pamilya nyo. Ipanalangin natin ang isat isa.

Maraming Salamat po


Sa Dyos ang Kadakilaan,

Sabado, Oktubre 4, 2008

Panalangin ni Rose Ann



Marami ka bang bagay na hinihiling ngayon sa Panginoon? Madalas ba tayong nanalangin sa mga bagay na gusto natin makamit? Madalas ba tayong humihiling sa Panginoon? Madalas bang may "sana" sa ating panalangin


Kaibigan, pakinggan nyo yung panalangin ni Rose Ann, pitong taong gulang na nakatira sa isang squatter's area sa Payatas. Ito ang panalangin ng munting anghel;


"Papa Jesus, magandang gabi po,Kamusta na po kayo dyan sa heaven?


Papa Jesus maraming salamat po sa bigay nyo pong pagkain sa amin, masarap po yung pansit na uwi ni tatay kasi nakabenta daw po ng maraming plastic at dyaryo si tatay kanina. Naubos ko nga po yung isang plato eh.


Papa Jesus maraming salamat po kasi binigyan ako ni nanay ng piso kanina,pambili ko raw po ng kendi. Sobrang sarap po ng kendi Papa Jesus binigyan ko nga po si Itoy yung bunso ko pong kapatid. Sarap na sarap din daw po sya.At tenk u din daw po.
Papa Jesus, tenk u din po kasi nakakapag-aral po ako, kahit po medyo sira na po yung sapatos at bag ko, okay lang po iyun, kasi nakakapasok pa po ako sa skul, kasi po si Angela, napahinto po sya sa pag-aaral eh, wala na raw pong pera si Aling Sonia yung nanay nya, kaya tumutulong na lang po sya sa paggawa ng basahan. Papa Jesus tulungan nyo po sila, lalo na po si Angela yung bespren ko na kapagaral po uli please Papa Jesus…..


Pero Papa Jesus, pagkagaling ko naman po sa skul,itinituro ko po lahat yun kay Angela para alam din nya po ang pinag-aaralan namin, nasa Multiplication na nga po kami eh.


Papa Jesus madami madaming tenk u po, kasi lagi nyo po kaming tinutulungan, sana po Papa Jesus bukas po masarap po uli ang ulam namin, pero kung hindi po, okay lang po yun.


Oo nga po pala Papa Jesus,ikamusta nyo rin po ako kay Lola dyan sa Heaven, sabihin nyo po kay Lola miss na miss ko na po sya!


Sige po Papa Jesus tulog na po ako, si Itoy kasi tinulugan ako, sabi ko sa kanya pray kami sa inyo tapos natulog na. Sige po Papa Jesus. Lab u po.

AMEN"

Nakakatuwa si Rose ann, bagamat salat at mahirap ang pamilya nya, nagpapasalamat pa rin sya sa Panginoon. Ang inosente nyang mga panalangin ng pasasalamat ay tila isang magandang tinig para sa ating Panginon.


Minsan nakakalimutan natin ang malilit na bagay na bigay sa atin ng Panginoon, kasi nabubulagan tayo ng paghahangad natin para sa mas malaking pang mga bagay. Hindi natin napapasalamatan ang mga bagay na meron tayo bagkus mas lalo natin iiniisip ang mga bagay na wala tayo. Masasabi ko ring "Guilty" ako sa mga ganitong bagay, pero pinipilit kong pasalamatan ang Panginoon araw araw sa mga bagay na ibinigay nya sa akin. Mula sa pagbukas ng aking mga mata, sa pagsikat ng araw, sa hanging aking nilalanghap pinapasalamatan ko ang ating Panginoon.


Pipilitin kong maging katulad ni Rose Ann, bagama't may kahilingan ako sa Panginoon, pero mas magpapasalamat ako sa lahat ng biyaya Nya sa akin. Sabi nga nila, alam ng Diyos ang lahat ng atin kahilingan at kagustuhan. Naiisip palang natin ito ay batid na ito ng Dyos. Kaya alam kong didriringgin Nya ang ating kahilingan, ngunit alam ko rin na magiging Masaya ang Panginoon kung tayo ay mananalangin ng may pasasalamat sa Kanya.


Iyon lamang po at maraming salamat

BUKANG LIWAYWAY




Kamusta mga kaibigan,binigyan kami ng apat na araw na bakasyon ng aming kumpanya at sa apat na araw naito masasabi kong isang makabuluhan at magandang bakasyon ang nangyari sa akin, , maraming bagay ang nabuksan sa akin. Bukod sa pambawing tulog na nakuha ko sa loob ng 2 araw ay nabigyan ako ng pagkakataong makapunta sa Jubail, Al Khobar at Qatif (mga bayan sa Saudi Arabia) sa loob ng dalawa pang araw .At dito ko mas lalong napahalagahan ang kagandahan ng buhay.


Minsan yung pagiging abala natin sa ating mga trabaho ang nagiging dahilan kung kaya nakakalimutan natin ang mga simpleng bagay. Mga bagay na dapat nating maipapagpapasalamat ng malaki sa Panginoon. Hindi ba madalas, pagkagising natin o di kaya bago tayo matulog sasabihin natin sa ating mga sarili na halos paulit ulit ang buhay natin, o di kaya problema ang sasalubong sa atin sa umaga. Kaya madalas maraming mga bagay ang nakakaligtaan natin
Alas singko ng madaling araw nagpunta ang grupo naming sa gilid ng dagat sa Al Khobar, para mamasyal, lasapin ang sariwang hangin at magpuri sa Panginoon. Madilim pa noon, ng dumating kami sa baybayin ng dagat. Makalipas ang ilang minuto, unti unting sumikat ang araw sa dulo ng dagat. Isang magandang tanawin ang aming nakita noon. Kamangha mangha senaryo ang nakita namin-ang pagsikat ng araw na unti unting nagbigay ng liwanag sa bughaw na dagat. Kaya ng maranasan ko yun, nagpasalamat ako sa Panginoon,nagpasalamat ako dahil sa buhay na binigay nya at dahil doon ay nakita ko ang kagandahan ng kanyang nilikha. Parang isang bagong buhay ang simbolo ng bagong araw na yaon. Parang isang pag-asa ang nagbukas sa akin, na nagsasabi sa bawat dilim ng buhay natin biglang may araw at liwanag na sisikat at unti unting babalutin tayo ng kaliwanagan. Kaya ang gaan ng pakiramdam ko noon, ibang kasiyahan ang nasa puso ko noong panahon na yon. Naisip ko ang ganda pala ng buhay, ang ganda pala ng nilikha Nya, at mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal ng Panginoon.


Marami sa atin ang minsan iniisip ang mga mangyayari bukas- kung ano ang gagawin nya bukas,kung ano ang isusuot nya bukas, kung ano ang kakainin nya bukas,at kung ano ano pang bagay ang pumasok sa utak natin, mga bagay na nagdadala sa atin ng pag-aalala at pangamba. Subalit nakalimutan natin na dapat pala magpasalamat tayo sa Panginoon dahil binigyan tayo ng BUKAS-isang bagong araw, isang bagong BUHAY at isang pagkakataon pa na muli na talikdan ang ating kasalanan at sumunod sa Kanya


Nagpapasalamat ako sa Dyos sa karanasan na yon na nagbigay sa akin ng inspirasyon at pag-asa. Mas lalo kong napahalagahan ang buhay ko, kasi alam kong marami pang regalo at biyaya ang ibibigay sa akin ang Panginoon. Ang kailangan lang pala ay buksan ko ang mga mata, alisin ang harang na nagiging hadlang sa akin. Mga kagustuhan, takot, lungkot, pag-alalala at kaabalahanan ko sa buhay ang siyang naging hadlang sa akin para di ko makita ang ganda ng mundo at kadakilaan ng Panginoon.


Ngayon, di ko na iniisip ang ibang mga bagay pagkagising ko umaga, ang inuuna ko ay magpasalamat sapagkat panibagong buhay ang pinahiram nya uli nya sa akin. Ang bawat hanging nalanghap ko, ang sikat ng umaga na dumampi sa aking balat , ang bagong umaga at bagong pag-asa.


Salamat sa Panginoon dahil pinakita nya sa akin yon, at salamat sa Kanya sapagkat sinabi Nya sa akin na ibahagi naman ito sa inyo.


Maraming pong Salamat aming Dyos.


Sa Dyos ang Kadakilaan

Tingnan muna ang Sarili



Lucas 18:9-14 (Ang Salita ng Diyos)


Ang Talinghaga Patungkol sa Fariseo at Maniningil ng Buwis


9May ilang mga nagtiwala sa kanilang mga sarili na sila ay matuwid at hinamak nila ang iba. Sa kanila ay sinabi rin ni Jesus ang talinghagang ito. 10Dalawang lalaki ang umahon sa templo upang manalangin. Ang isa ay Fariseo at ang isa ay maniningil ng buwis. 11Tumayo ang Fariseo at nanalangin siya sa kaniyang sarili ng ganito: Diyos, pinasasalamatan kita na hindi ako katulad ng ibang tao. Hindi ako katulad nila na mga mangingikil, mga hindi matuwid at mga mangangalunya. Hindi rin ako katulad ng maniningil ng buwis na ito. 12Dalawang ulit akong nag-aayuno sa loob ng isang linggo. Nagbibigay ako ng ikapu sa lahat ng bagay na aking tinatangkilik. 13Ngunit ang maniningil ng buwis na nakatayo sa malayo ay hindi man lamang niya itinataas ang kaniyang paningin sa langit, sa halip ay kaniyang binabayo ang kaniyang dibdib. Sinabi niya: Diyos, pagkalooban mo ako ng iyong habag, ako na isang makasalanan. 14Sinasabi ko sa inyo: Ang taong ito ay umuwi sa kaniyang bahay na pinaging-matuwid at ang isa ay hindi. Ito ay sapagkat ang bawat isang nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa, at ang bawat isang nagpapakumbaba ay itataas.


TINGNAN ANG SARILI





Sinasabi ko sa inyo: Ang taong ito ay umuwi sa kaniyang bahay na pinaging-matuwid at ang isa ay hindi. Ito ay sapagkat ang bawat isang nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa, at ang bawat isang nagpapakumbaba ay itataas.- Lukas 18:14 Noong ako ay nasa kadaliman pa ng aking buhay, madalas akong manghusga ng tao.


Para sa akin ang bawat tao ay may kanya kayang sukatan. Sa akin sa isang tingin lamang sa isang tao alam ko na sa sarili ko kung anong klase syang tao. Naalala ko pa noong akoy nasa kolehiyo pa, mayroon akong nakitang isang babae, nakataas ang buhok na animo’y si Imelda Marcos, tingin ko’y isang bote ng spray net ang inilagay nya sa buhok nya para umalsa ng ganun.
Sa tuwing nagdadaan yung babaeng iyun. Tawa ako ng tawa, at madalas pang inaaya ko ang mga kaibigan ko na pagtawanan yung babae yun. Ang tawag namin sa kanya ay Imelda Manok. Sa tuwing napapadaan yung babaeng iyun hagalpakan kami sa kakatawa, ibat-ibang taguri ang binigay naming sa knya,tulad ng babaeng spray net, Imeda Marcos, o di kaya babaeng manok dahil mukhang palong ng manok ang buhok nya .


Sa lakas ng tawa naming halos dinig na dinig ang bawat halakhak at tawa naming sa apat na sulok ng aming campus. Nung minsan naglalakad yung babaeng iyun, umihip ang nakalakas na hangin, nahawi ang buhok ng babaeng pinagtatawanan namin . Nagulat kaming lahat at nahihiya sa aming sarili ng mahawi ang buhok nya, nakita naming ang napakalaking bukol sa kanyang ulo. Mayroon syang malaking tumor knyang ulo. At aming napagalaman na sya pala ay may sakit. Marahil isang kanser dahil sa laki ng kanyang tumor sa ulo.


Ang aming tawanan ay napalitan ng awa ,habag at hiya sa aming sarili Aming napagtanto na tinatakpan pala nya ng kanyang buhok ang kanyang bukol , kaya ito ay nakaalsa. Kaya pala nakaalsa ang kanya buhok ay hindi dahil sa spray net kundi dahil sa bukol sa kanyang ulo. Natigilan kami at napahiya sa aming sarili. Kami pala ang mas nakakatawa kumpara sa knya. Kami pala ang mas kaawa awa kumpara sa babaeng iyun.


Ngayun naisip namin na dapat pala hindi kami humusga base sa hitsura ng isang tao. Aming napag-isip isip na di hamak na mas mabuti syang tao kaysa sa amin.. Sa Mabuting balita nagyung araw na ito, maaring katulad kami ng mga Pariseo na agad na humusga, at nag-isip na mas nakakaangat kami kesa sa iba. Marahil kung pamimiliin ang ating Panginoon kung sino ang mas nakakatawa sa amin sa babaeng aming pinagtatawanan. Palagay ko kami. Tyak na kalulugdan nya ang babae kesa sa amin. Sya ang itataas ang kami naman ang ibaba. Ngayun ang laki na ng nagbago sa akin.


Sa tuwing nakakakita ako ng isang tao, di na agad ako humuhusga. Mas susuruin kong mabuti ang aking sarili at haharap sa salamin baka di hamak na mas marumi pa pala ako kesa sa kanya. Hahayaan ko na lang ang dyos ang humusga sa aming lahat sa huli. Sana lahat tayo ay matuto munang tingnan ang ating sarili kesa sa iba.


Sa Dyos ang Kadakilaan

Mga Taong Kinakainisan Mo




Mayroon ka bang taong kinaiinisan ngayun? Mayroon bang kontrabida sa buhay mo na halos gusto mo ng tirisin na parang kuto? Mayroon bang tao sa buhay na parang ang bigat sa loob kung nakikita mo sya, kulang na lang ay hampasin mo ang mukha sa sobrang inis o di kaya pasabugin ang ulo nya para lang maibsan ang galit, inis at kabuwisitan sa taong iyun? Meron ka bang nararamdan na katulad nito, kaibigan?


Malamang lahat tayo aminado sa sitwasyong ito, maaring nararanasan mo ngayun o di kaya naranasan mo na nun pa o di kaya nagsisimula mo palang maranasan ito. Hindi ba sari saring mga taguri ang binibigay natin sa mga taong iyun. Madalas nating tinatawag na “ Prinsipe ng kadiliman, si Mr. and Mrs. Epal, o kaya Anak ng Dyablo”.


Siguro habang binasa mo ito, maaring natatawa ka sa sarili mo, o di kaya naalala mo yung taong kinaiinisan mo!! At sasabihin sa iyong sarili na “Oo nga ano!!!”


Pero ang tanong, paano mo magagawang mahalin ang taong mahirap mong mahalin. Paano kaya gagaan ang loob mo sa taong kinababagutan at kinaiinisan mo? Paano nga kaya?
Alam nyo kaibigan, meron akong Boss na kinaiinisan noon. Sa araw araw na ginawa ng Panginoon puros sermon ang inaabot ko sa kanya.Pakiwari ko’y galit na galit sya sa mundo, konting maling gagawin mo, puros sigaw ang nakukuha ko sa kanya. Tingin ko wala ng ibang tama kung di sya. Sya na ang tama, sya na ang dakila, samantalang ako mukhang wala nang ginawang tama kundi puro mali.


Noong mga panahon na yun ang bigat bigat ng loob ko sa tuwing papasok ako sa trabaho. Ang pakiramdam ko ay papasok na muli ako sa imperyo at makikita ko na uli si “ Mrs. Taning” (taguri ko sa kanya). Ayaw ko ng ihakbang pa ang paa ko patungo sa opisina sapagkat sa malayo pa lang naglalakasang mga sigaw na ang maririnig mo sa apat na sulok ng opisina. Kaya halos mamatay ako sa inis at galit sa kanya.


Subalit isang araw, nag-isip ako at naitanong ko sa aking sarili “ Ano kaya ang buhay na meron sya?”.Bakit kaya sya ganun? Bakit parang galit na galit sya sa mundo?.


Mula noon, sinubukan kong alamin kung anong buhay ang meron sya. Nais kong malaman kung ano ang nangyayari sa buhay nya ngayon. Pilit kung aalamin bakit parang wala syang puso para sa akin.


Isang araw habang akoy nasa opisina, may tumawag sa akin. Isa ito sa mga kasambahay ng aking Boss, at may tinatanong sa akin. At sa aking makikipag-usap sa kanya meron akong balitang aking kinagulat. Balitang nagpabago sa persepyon ko tungo sa Boss ko, mula noon ang aking inis ay napalitan ng simpatya at pagkaunawa.


Kanyang ibinalita na ang Boss ko ay may sakit, isang malubhang sakit. Ang Boss ko ay may KANSER. Nagulat ako sa balitang iyon at nag-isip. Naunawaan ko agad ang aking Boss, siguro kanyang pinapakita sa lahat na sya ay malakas, kahit alam nya sa sarili nya na parang nauupos na kandila ang buhay nya. Naisip ko rin na mahirap din magpatakbo ng isang Negosyo, lalong lalo na hindi lang negosyo ang inaalala nya kundi pati na rin ang buhay at kalusugan nya.. Alam kong nahihirapan din sya sa pressure ng kanyang Negosyo at sa hirap na nararamdaman nya dahil sa kanyang sakit.


Minsan nag-eemail sya sa akin ng 3:00 ng madaling araw at natatanggap ko lang ito pagpapasok ko sa aking opisina, madalas noo’y naiinis ako sapagkat ang email nya ang bubungad sa akin sa umaga na karamiha’y puros sermon lang ang laman. Ngayon naiisip ko mapalad pa pala ako sapagkat ako’y nakakatulog ng mahimbing habang ang aking Boss ay nag-iisip pa tungkol sa kanyang negosyo kahit alas 3:00 na ng madaling araw.


Sa hindi ko ring inaasahan pagkakataong na malaman ko rin na meron pala syang problemang pampamilya. At tyak ito rin ang gumugulo sa kanyang buhay. Kaya mula noon ay mas lalo ko syang naintindihan at naunawaan.


Naiisip ko rin na kailangan nya ng tulong ko. Alam kong nahihirapan ang isip nya dahil sa negosyo, nahihirap ang katawan nya dahil sa sakit at nahihirapan ang emosyon nya dahil sa problema nya sa pamilya.


Naiisip ko, Mapalad pa pala ako sapagkat nakakatulog ako ng mahimbing sa gabi, mapalad pala ako sapagkat malakas ako’t malusog, Mapalad pala ako sapagkat meron akong isang mapagmahal na pamilya.. Mapalad pa pala ako.


Maaring wala akong milyones sa aking bulsa subalit meron namang akong mga bagay na hindi mabibili ng pera. At alam kong ang mga bagay na iyon ay mas mahal pa kesa sa anumang halaga ng pera ngayun. Hindi ko siguro ipagpapalit iyun.


Kaibigan, hindi ko naman kinukumpara ang sarili ko sa kanya o para malaman na mas mapalad ako kesa sa kanya, subalit mas lalo kong naintindihan sya kung bakit sya may ganoong ugali. Mas lalo ko syang naunawaan kung bakit ganun na lang ang kanyang nararamdaman araw araw.
Alam nyo sa tulong din nun, nalaman ko rin na ang daming ko palang dapat ipagpasalamat sa Dyos. Nakakatuwang isipin na hindi lang pala pinakita sa aking ng Panginoon ang mga bagay na iyun para maunawaan ko ang boss ko kundi para ipakita din sa akin ang mga bagay na meron ako ngayun..


Mga kaibigan, bagamat di pa rin nabago ang ugali ng Boss ko at panay sermon pa rin ang inaabot ko sa kanya. Wala na yung inis sa puso ko ,mas nanaig ang pang-unawa sa kanya. Bagamat meron pa rin kung minsang inis pero agad kong inaalis yun kasi alam kong kailangan nya ng tulong ko!! Alam kong kailangan nya ako. Kung dati wala akong pakialam sa kanya ngayun gabi gabi ko pa syang pinagdarasal na sana’y maging malakas sya at malampasan nya ang mga pagsubok nya sa buhay.Alam kong natuto ko na rin syang mahalin.


Mga kaibigan. Hindi ba madalas nagagalit tayo sa mga taong kinaiinisan natin, pero naitanong ba natin sa sarili natin kung bakit kaya sya ganun sa iyo?


Hindi rin ba pumasok sa isip natin na na maaring may mga taong naiinis at nagagalit din sa atin. Maaaring may mga tao sa buhay natin na pakiwari sa atin ay mahirap din tayong mahalin.
Tandaan sana natin na iba iba ang tao, bawat tao ay may magkaibang pananaw sa buhay, may ibat ibang estilo at may ibat ibang paraan sa pakikipag-ugnayan sa tao. At hindi lahat ng tao ay kaya nating i-please. Tyak kung nakakaramdam ka ng inis sa kapwa mo, maari rin na katulad din ito sa nararamdaman nyang inis sa iyo.
Kaibigan , Kung sinusumpa mo ang taong kinaiinisan mo, maaari din na may sumusumpa sa iyo dahil sa inis sa iyo.Kung gusto mong pasabugin ang ulo ng kapwa mo dahil sa galit, maaari rin na may gustong pasabugin ang ulo mo dahil sa galit din sayo. Kaibigan magaan bang dalhin yun? Ano ang pakiramdam mo kaibigan? Naisip mo rin ba ito?
Alam nyo kaibigan, madalas ang ating pinapakinggan lang ay ating sarili, nagagalit tayo sapagkat ito ang sinsabi sa iyo ng emosyon mo. Naiinis tayo kasi ito ang dikta ng isip mo!!Pero sana lawakan pa natin ang ating pang-unawa sa iba.Kung may taong nagmamahal sa iyo, ay taong nagmamahal din sa kanila. Maaaring bang mahalin na lang din natin sya?
Kaibigan, hindi masama ang mainis, sapagkat tayo ay tao lang may emosyon at damdamin din pero magiging masama lang ito kung ito na ang kokontrol sa buhay mo!!!
Mga Kaibigan sana ilagay natin ang sarili natin sa iba, maaaring sa pag-unawa sa buhay ng isang tao, malalaman natin na di pala mahirap mahalin ang isang taong mahirap mahalin. Kung atin lang bubuksan ang isip at puso natin sa knya. Siguro matutunan na rin nating mahalin ang mga taong katulad nila. Sana magawa natin ito. Sana…………

Ang Kwento ni Darlo



May pagkakaton ba sa buhay natin na susuko na tayo dahil sa problema. MInsan bang dumadating sa atin yung Frustration na mayroon tayong gustong mangyari o makamit sa buhay natin na hind natin makuha. Sumasama ba ang loob natin sa Panginoon, dahil binigyan Nya tayo ng problema na hindi naman natin kaya, o hindi natin kayang solusyunan. Kaibigan may ibabahagi po akong isang maikling kwento na sanay pagkapulutan ng aral.


Si Darlo ay isang tipikal na teenager, sa edad nya 21, sya na ata ang pinakasikat na basketbolista sa kanilang unibersidad, mayaman, gwapo at lahat ng kababaihan ay talagang nahuhumaling sa kanya. Sya rin ang taong “Happy-Go-Lucky”, walang pakialam sa mundo at gusto lang nya ay magparty ng magparty buong magdamag. Isang binatilyo walang iniisp kundi ang pagkasaya at magpakasarap sa buhay.


Subalit isang pangyayari ang nagbago ng lahat, isang gabi ang nagpaiba ng ikot ng buhay ni Darlo.


Victory Party noon ng koponan ni Darlo dahil sila ang nagchampion sa basketball pangpamatansan at sya ang nanalong MVP sa taon na yon, kaya naman sobrang masaya at nilunod ang sarili sa alak. Nagpakasaya sya at nagpakalasing. Halos lahat ng klase ng alak ay nainom na nya. Inom doon, inom dito, Ibat ibang babae ang nakapalibot sa kanya, lahat ay puro nakalingis na tila isang sawa, hatinggabi na ng matapos ang Party


“ Ano Darlo kaya mo pa ban g umuwi” tanong ng isang kaibigan nya


“Oo naman pre, kayang kaya pa!! Hik Hik” tugon ni Darlo na tila nagmamayabang pa


“Sigurado ka ba pare” tanong uli ng kaibigan nya


“Oo naman, di ako lasing pre” pagpupumilit ni Darlo


Sa tingin ng mga kabigan nya ay hindi na nya kayang magdrive pa ng kotse, pero mapilit pa rin si Darlo. Kaya walang nagawa ang kanilang kaibigan, biglang sumakay si Darlo sa kotse at matulin nyang pinatakbo na walang pakialam. Pakiramdam nya sya ang hari ng kalsada. Matulin ang kotse wala syang pakialam kung ano ang mangyayari sa kanya. Nang nasa kalagitnaan na sya ng daan patungo sa bahay niya. Isang maliwanag na ilaw ang sumilaw sa kanyang mga mata. At isang malakas na dagundong ang sumunod na nangyari. BANGGGGGGGGG. Isang alingawngaw ang umainlanlang sa tahimik na gabing yaon..


Pagbukas ng kanyang mga mata, nakita nya ang kanyang sarili na nasa loob ng ospital habang ang kanyang mga magulang ay umiiyak dahil sa kaba at takot.


“Ma, Pa anong nangyari bakit nasa Ospital ako”tanong nya sa kanyang mga magulang


“Anak wag kang gumalaw kakatapos lang ng operasyon mo” tugon ng ina na labis na nag-alala
‘Ma, ano bang nangyari?” tanong uli nya


“Basta magpahinga ka na lang Anak”, habang patuloy na dumadaloy ang luha sa kanyang ina.
Habang pilit nyang pinakikiramdaman ang sarili, pinilit nyang tumayo, subalit tila magaan ang pakiramdam nya sa ibabang parte ng kanyang katawan. At sa patuloy na pagsisiyasat nya sa kanyang kalagayan isang katotohanan ang gumising sa kanya. Natagpuan nya ang kanyang sarili na wala ng mga binti at wala ng mga paa. Umiiyak ng ubod ng lakas si Darlo sa natuklasan nya, alingawngaw ng sigaw nya ang bumalot sa ospital na yaon.


“Ma, anong nangyari bakit wala na akong paa at mga binti, magsalita kayo Ma” pasigaw nyanng tinanong ang kanyang ina.


“Darlo nabangga ang kotse mo ng isang truck, at dahil sa labis na pagkakaipit ng mga paa at binti mo kinakailangan nilang putulin”. Tugon ng kanyang ina.


Sising sisi sya sa lahat ng pangyayari, alam nya na dahil sa aksidente hindi na muli syang makakapaglaro ng basketball.At sa isang iglap magbabago na ang kanyang buhay. Mawawala ang lahat sa kanya.


Makalipas ang limang buwan, nailabas na rin si Darlo sa Ospital, subalit nawala na ang dating puno ng buhay at masayahing Darlo. Madalas nakatulala lang sya sa isang tabi, nagkukulong sa kwarto at maririnig mong umiiyak. Naging magagalitin at mahiyain dahil sa pangyayari. Sa tuwing aayain ng kanyang mga magulang si Darlo na magsimba, galit ang kanyang ginaganti sa kanyang magulang patungkol sa Dyos.


“Darlo hindi ka ba sasama sa aming magsimba ng Papa mo” yaya ng kanyang ina.


“Kayo na lang ang magdasal sa Dyos nyo” sigaw ni Darlo sa kanyang magulang.


Nahahabag sya sa kanyang sarili at nagagalit sya sa Panginoon sa lahat ng nangyayari sa kanyang buhay.Sinisisi nya ang Dyos at nagagalit sya sa Dyos.


Isang araw, niyaya ng kanyang ina si Darlo na pumunta sa isang malapit na Parke, marahil dahil na rin sa tagal na pagkukulong ni Darlo sa kanyang kwarto, napilit din syang sumama sa kanyang mga magulang na mamasyal sa malapit na Parke. Nais nya ring sigurong makalanghap ng sariwang hangin sa labas. Habang nasa parke si Darlo tahimik lamang syang nagmamasid, pinagmamasdan ang bawat tao, pinakikiramdaman ang kanyang kapaligiran. Hanggang sa may narinig syang isang tinig. Isang tinig na parang anghel sa kanyang pandinig, isang musika ang kumuha ng kanyang atensyon. Isang napakasayang at punong puno ng buhay na tinig. Pakiramdam nya mula ito sa isang taong napakasaya. Pakiwari nya ang taong itoy naguumapaw sa kaligayahan at kasiyahan. Agad nyang pinihit ang kanyang wheelchair at sinundan ang tinig na kanyang narinig. Sa pagsunod nya sa tinig na yaon, dinala sya nito sa kinaroonan ng musika. At nagulat sya sa kanyang natuklasan, kanyang nalaman na ang pinanggalingan ng tiinig na yaon ay mula sa isang sampung taong gulang na batang babae, na walang paa, walang kamay at bulag. Nakasakay sya sa isang lumang wheelchair at mababanaagan mo na siya’y galing sa isang mahirap na pamilya. Hindi nya maintindihan ang kanyang sarili hindi nya alam kung maawa sya o matutuwa. Maawa ba sya sa kalagayan ng bata o matutuwa sya sapagkat napakasaya at maaliwalas ang kanyang mukha. Agad nyang nilapitan ang bata at tinanong


“Nene, anong pangalan mo?” tanong nya sa bata


“Angela po” tugon ng bata na waring hindi man lang natakot kahit hindi nya ito kakilala


“Sino kasama mo dito” sunod nyang tanong


“Si mama po, bibili lang daw po sya ng softdrink” sagot ng bata


“Angela, narinig ko ang boses mo, ang galing mo palang kumanta, saka bakit parang ang saya saya mo habang kumakanta ka?” puri nya sa bata


“Kasi po masaya po ako, napasama na po ako sa choir sa simabahan namin, ito na po yung pinamagandang nangyari sa buhay ko” tugon ng bata.


“Ha, eh bakit naman, hindi ba dapat nga magalit kay Papa Jesus mo, kasi wala kang paa, wala kang kamay saka di ka nakakakita”.inosenteng tanong ni Darlo.


“Eh bakit po ako magagalit kay Papa Jesus, kahit po wala po akong kamay, paa at hindi po ako nakakita, binigyan nya naman po ako ng magandang boses, mababait na kapatid at mapagmahal na magulang, sa akin po masayang masaya na po ako dun ang bait bait ng apo ni Papa Jesus eh, kasi binigyan nya pa ng bagong trabaho si Papa, at bilang ganti po kay Papa Jesus, kakantahan ko po sya lingo lingo kasama si Mama” sagot ng inosenteng bata.


Sa pagkarinig ni Darlo sa mga sinabi ng bata, bigla syang nahiya sa kanyang sarili, parang binuhusan sya ng malamig na tubig sa ulo at natauhan. Nagpaalam na sya sa bata at bumalik na sya sa kanyang kinaroronan ng kanyang mga magulang.Naisip nya na, nawalan lang sya ng paa, subalit may kamay, mata at ibang bahagi pa sya ng katawan. Naisip din nya na mapalad sya sapagkat may marangya silang pamumuhay at mapagmahal ang kanyang mga magulang. Biglang nagbago ang pananaw ni Darlo dahil sa pangyayaring iyun.


Mula noon, unti unti ng bumalik ang kanyang sigla, nagsimula uli syang buuin ang kanyang sarili at pinagpatuloy din nya ang kanyang pag-aaral. Naging inspirasyon nya ang batang babae sa parke at alam nya na marami syang dapat ipagpasalamat sa Dyos. Nawalan lang sya ng paa, hindi ng buhay, kaya gagamitin nya kung ano ang natitira sa kanya.


Sa ngayon, ay abala si Darlo bilang lider ng isang foundation na tumutulong sa mga batang may kapansanan at ulila. Nakapagtapos na rin sya sa pag-aaral at naging aktibo rin sya sa gawain ispiritual. Ngayon masasabi nya sa kanyang sarili na wala man syang mga paa pero kumpleto ang buhay nya sapagkat na sa kanya ang Panginoon. Ang Panginoon ang naging paa nya sa kanyang buhay.
___________________________________________________________________
Kaibigan minsan sumasama ang loob natin sa Panginoon, madalas nagagalit tayo sa Kanya sapagkat hindi nya binibigay sa atin ang gusto natin. Madalas sinisisi natin ang Panginoon sa mga problema natin sa buhay, pero hindi ba minsan din ang mga problemang kinakaharap natin ay resulta lamang ng kamalian, kasalanan at katigasan ng ulo natin. Ang Dyos ang sulosyon, ang Dyos ang gumagawa ng paraan para maituwid ang mga resulta ng kasalanan natin. Dapat mas lalo pa tayong lumapit sa Kanya at humingi ng awa.


Naipagpasalamat na ba natin sa Dyos ang mga bagay na meron tayo ngayon. Tandaan natin na sa isa nating kahilingan sa Dyos, sampu ang dapat nating ipagpasalamat sa Kanya.Wag nating tingnan ang mga bagay na wala tayo, ipagpasalamat kung ano ang meron tayo. Nawa ang kwento ni Darlo ay maging inspirasyon sa lahat.Iyon lamang po at maraming salamat.


SA DYOS ANG KADAKILAAN

MULA SA ISANG DI MAGANDANG PANGYAYARI




Minsan ba dumarating sa sitwasyon na naiisip natin mukhang wala ng katapusan ang problema sa buhay natin. Kung minsan kakatapos lang ng isang problema darating na naman ang panibago. Madalas gusto na nating sumuko at bumitaw sa Panginoon dahil sa problema. Kaibigan sana pakapulutan nyo ng aral ang kwento na ito:


Si Mr. Chan ay isang mayamang intsik na nagmamay-ari ng malalaking negosyo sa Binondo, Manila. Sya ang tinuturing na isa sa pinakamayaman sa kanilang lugar. Meron syang malaking bahay at magagarang sasakyan. Ang kanyang 2 anak na babae na parehong nag-aaral sa ekslusibong eskuwelahan sa Maynila, samantala ang kanyang asawa ay laging bida sa kanyang mga kaibigan dahil sa kanilang kayamanan.


Halos di nagkikita ang mag-anak sa kanilang bahay, madalas laging nasa business trip si Mr. Chan o di kaya kanyang tintitingnan ang bawat negosyo nila. Samantala ang kanyang misis naman ay abala rin sa pakikpagsosyalan sa kanyang mga kaibigan. Ang dalawang bata naman na anak ng mag-asawa ay karaniwang nakababad sa T.V o di kaya sa computer kasama ng kanilang mga Yaya.


Ganito ang buhay ng pamilya, may sari sarili silang mga pinagkakaabalahan sa buhay. Maging sa kanilang pagkain ay di sila nagkakasama, halos di na sila nag-aabot ng gising. Walang kapahingahan ang mag-asawa, walang ring kapaguran sa trabaho si Mr. Chan sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo, halos di na rin natutulog ang kanyang asawa sa paglalaro ng madjong. At madalas Masaya na ang dalawang bata na makipaglaro sa kanilang mga yaya o di kaya sa computer.


Subalit ang lahat ng itoy nagbago at unti unting naglaho, sunod sunod na dagok ang dumating sa buhay ni Mr. Chan.Nasunog ang pabrikang pinagkaingat ingatan nya, bumagsak ang isa pa nyang negosyo dahil sa pababa ng ekonomiya. Isa isang rin nalugi ang lahat ng negosyo ni Mr. Chan, nawala ang lahat ng kanyang mga pinagpaguran at naiwan din syang baon sa utang. Napilitang ibenta ni Mr. Chan ang lahat ng kanyang ari arian para makabayad sa kanyang utang. Nawala na ang malaking bahay, naglaho na rin ang mamahalin at magagarang sasakyan at lumipat na lang sila sa isang maliit na bahay. Kasamang naglaho rin ang kanyang mga kaibigan. Para silang mga pulubing tinataboy pag humihingi sila ng tulong sa kanila. Walang gustong dumamay sa kanila. Wala ni isa ang gustong tumulong sa kanila.


Hindi na nya alam ang gagawin noong mga panahon na iyon, halos isang bugso ng problema ang binigay sa kanya. Halos gusto na nyang magpakamatay dahil sa pangyayari yon. Ang kanyang misis ay kasama na rin nyang umiiyak dahil sa pait na nangyayari sa kanyang buhay. Hindi na nila alam ang gagawin sa mga susunod na araw. Pakiramdam nya wala ng saysay ang mabuhay pa.


Ngunit isang araw, isang panauhin ang dumalaw, panauhin na hindi nilainaasahan. Nagulat sila na may taong gustong dumamay at tumulong sa kanila at itoy walang iba kundi si Mang Damian, ang kanilang dating driver. Nagulat sila sapagkat nais tumulong sa kanila ng kanilang dating empleyado. Dati ratiy hindi nila pinapansin si Mang Damian sapagkat siyay balewala sa kanilang paningin. Ngayon, ang taong kanilang binablewala ang syang taong tutulong sa kanila. Tinulungan ni Mang Damian si Mr. Chan na magsimula muli. Naging mabuting magkaibigan ang dalawa. At unti unti ring pinakilala ni Mang Damian ang Panginoon sa pamilya ni Mr. Chan. At doon ay kanya nyang inimbitahang sumali sa Couples for Christ.


Sa 12 linggo nilang pag-attend sa CLP (Christian Life Program), unti unting nagbabago ang mag-asawa, unti unti nilang nadama ang Panginoon sa kanilang buhay. Kanilang nakilala ang Panginoon ng lubusan. Nagkakaroon na sila ng pananamaplataya sa Dyos. Ngayon lang uli nila naramdaman ang kakumpletuhan ng kanilang buhay. Nagyon lang nila naranasan ang naguumapaw na kasiyahan sa kanilang puso.


Nagyon,sama sama silang kumakain sa hapag-kainan. Kung dati ratiy hindi sila nagkikita dahil na rin sa pagiging abala ng bawat isa at sa malaking bahay na meron sila, ngayon ang maliit na bahay ang naging daan para sila ay magkasama sama sa lahat ng pagkakataon. Kanilang na ring naalagaan at nasusubaybayan ang pag-aaral ng kanilang 2 anak na noon ay mga yaya ang gumagawa nito para sa kanila, subalit ngayon naramdaman nila ang kasiyahan na pagiging malapit nila sa kanilang mga anak. . Nagkaroon na rin ng oras ang mag-asawa para sa isat isa. At lalo pang tumibay ang kanilang pagsasama..


Sa huli, hindi maipaliwanag ni Mr. Chan ang kaniyang nararamdamang kasiyahan. Pakiramdam nya ngayon lang nya nakuha ang kakumpletuhan ng kaniyang buhay. Kasiyahan na hindi kailan man matutumbasan ng pera o ng katgumpayan sa material na aspeto. Ang Dyos lang pala ang kulang sa kanilang buhay.



Hindi man na maibabalik ang marangya nilang buhay, nagkaroon naman silang ng mayaman na relasyon sa Panginoon at sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng simpleng pamumuhay. Nagyon ay masayang Masaya na sila. Kasiyahan na panghabang buhay nilang nararanasan.
________________________________________________________________________________
Minsan mula sa isang di magandang pangyayari sa buhay natin, lumitaw ang kadakilaan ng Dyos. Sa mga panahon na nabubulagan tayo ng kasarapan at kaginhawaan, di pa rin tayo pinabayaan ng Panginoon at Kanyang itinuro sa atin ang daan patungo sa Kanya. Ang inaakala nating katapusan ng lahat ay magiging sumula tungo sa isang mas magandang bagay.
Sana Kaibigan, isipin natin na sa dulo ng bagyo ay may bahagharing lilitaw. Sa dulo ng problema natin may mas magandang mangyayari kung patuloy tayong lalapit sa Kanya. Sabi nga nila kailangan mong maramdaman ang kawalan bago mo mas lalong maranasan ang pagkakaroon ng isang bagay. Kailangang walang laman ang lalagyan para mas lalong madagdagan pa marami ang laman nito. Tandaan natin na ang ating Panginoon ay hindi tumitingin sa kaginhawahan natin, kundi sa kasiyahan natin namaglingkod sa Kanya. Hindi Nya tinitingnan ang kabiguan natin, kundi kung paano tayo nagtagumpay at tumayo sa hamon ng buhay. Hindi kung ano ang nakuha mo sa mundo ito, kundi kung ano ang natutunan mo. Hindi kung paano ka giginhawa at magtatagumpay, kundi kung paano ka lalapit sa Kanya.. Sana huwag tayong mabulagan sa mga magagandang bagay na nangyayari sa buhay natin, gamitin natin ang mga ito para patuloy na magpuri at magpasalamat sa kanya


Lumapit tayo sa Panginoon, tayo lang ang iniintay nya.

Sa Dyos ang Kadakilaan